SM at DOLE, Hatid ang Kalayaan sa Pamamagitan ng Trabaho at Oportunidad ngayong Hunyo

 SM at DOLE, Hatid ang Kalayaan sa Pamamagitan ng Trabaho at Oportunidad ngayong Hunyo

Araw ng Kalayaan Job Fairs, sabay-sabay na gaganapin sa mga SM Mall sa buong bansa








Masayang nag-pose ang mga successful hired-on-the-spot (HOTS) applicants matapos makakuha ng trabaho sa Araw ng Kalayaan  Job Fair—patunay kung paano patuloy na nagdadala ang SM Supermalls ng tunay at agarang oportunidad para sa mga Pilipino.

Habang ipinagdiriwang ng bansa ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, patuloy na pinalalakas ng SM Supermalls at Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang matagal nang partnership upang ilapit ang mas maraming trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.

Ngayong June 12, sabay-sabay na isasagawa ng SM at DOLE ang Araw ng Kalayaan Job Fairs sa 20 SM malls nationwide, na magdadala ng libo-libong job opportunities, employers, at government services sa mga komunidad sa buong bansa.

Sa loob ng maraming taon, magkasamang nagtatrabaho ang SM at DOLE upang gawing mas accessible ang employment opportunities para sa mga Pilipino. Napatunayan ang lakas ng partnership na ito noong Labor Day Job Fairs nitong Mayo 1, kung saan nagkaroon ng sabayang job fairs sa 15 SM venues na nakatulong sa mahigit 17,000 job seekers at nagresulta sa higit 1,000 hired-on-the-spot (HOTS).

Sama-samang kumikilos ang mga kinatawan ng DOLE upang ilapit ang trabaho, oportunidad, at mahahalagang serbisyo sa mas maraming Pilipinong job seekers sa buong bansa.

Patuloy pang lumalawak ang epekto ng SM-DOLE partnership. Mula Enero hanggang Mayo 2026 pa lamang, nakapagsagawa na ito ng:

  • 66 Job Fairs nationwide

  • Mahigit 57,000 job seekers na natulungan

  • Higit 6,000 hired-on-the-spot


Aktibong nakikilahok ang mga jobseekers sa on-the-spot interviews kasama ang iba't ibang employers sa Labor Day Job Fairs—isang hakbang palapit sa kanilang susunod na career opportunity.

Trabaho Ngayon, Skills Para sa Bukas 

Bukod sa job opportunities, tampok din sa Araw ng Kalayaan Job Fairs ang iba't ibang upskilling programs sa pakikipagtulungan ng DICT, TESDA, Jobstreet, at iba pang industry partners.

Maaaring matuto ang mga job seekers tungkol sa Artificial Intelligence (AI), cybersecurity, digital marketing, data analytics, virtual assistance, at iba pang in-demand digital skills na makakatulong sa kanilang employability at paghahanda para sa future of work.

Sama-samang pinangunahan ng SM, DOLE, at mga partner organizations ang ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng pagbubukas ng Labor Day Job Fair nitong Mayo 1.

Tunay na Oportunidad. Tunay na Kwento.

Sa likod ng bawat matagumpay na job fair ay mga kwento ng pag-asa at pagbabago.

Isang hired-on-the-spot applicant ang nagbahagi:

"Nung sinabi po sakin na Hired on the Spot po ako sobrang saya ko po. Kasi magkakaroon na po ako ng trabaho para sa anak ko."


Isa pang successful applicant ang nagsabi:

"Ngayon natanggap na po ako sa Hypermarket, magiipon lang po, para ‘pag nakaipon na po pwede na po ulit makapag-aral."





Para sa SM Supermalls, higit pa sa pagpuno ng bakanteng posisyon ang layunin ng programa.

"Sa pamamagitan ng ating Job Fairs, nagbibigay tayo ng access sa trabaho, bagong skills, at mas maliwanag na kinabukasan. Bawat aplikanteng nahahire at bawat oportunidad na nalilikha ay hakbang tungo sa pag-unlad ng mas maraming Pilipino," ani SM Executive Vice President Joaquin San Agustin.



Mas pinalalakas ng SM Supermalls at DOLE ang kanilang matagal nang partnership upang mailapit ang trabaho, skills development, at oportunidad sa mas maraming komunidad sa buong bansa.


Handang-handa para sa susunod na oportunidad. Ang mga aplikante ay dumalo sa SM Job Fair na may dalang pag-asa, determinasyon, at pangarap para sa kanilang kinabukasan.

Higit Pa sa Isang Job Fair

Ang Independence Day Job Fairs ay idinisenyo bilang isang one-stop employment hub.

Bukod sa job opportunities, maaari ring mag-avail ang mga aplikante ng government support services mula sa NBI, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, PESO, at iba pang partner agencies upang mapadali ang pagproseso ng kanilang employment requirements.

Maraming employers ang magsasagawa ng on-the-spot interviews at maaaring magbigay ng immediate hiring opportunities. Kaya pinapayuhan ang mga jobseekers na magdala ng Maraming kopya ng updated resume o CV, Valid IDs, Ballpen at mga kaugnay na certificates o credentials.


Hanapin ang Pinakamalapit na Araw ng Kalayaan Job Fair sa Iyo:

  • SM Megamall

  • SM City Marikina

  • SM Center Sangandaan

  • SM City East Ortigas

  • SM City San Lazaro

  • SM Center Las Piñas

  • SM City Sucat

  • SM City Rosales

  • SM City La Union

  • SM City Laoag

  • SM City Tuguegarao

  • SM City Bataan

  • SM City Telabastagan

  • SM City San Jose Del Monte

  • SM City Dasmariñas

  • SM City Legazpi

  • SM City Bacolod

  • SM Seaside City Cebu 

  • SM CDO Downtown Premier

  • SM City Davao


Libo-libong jobseekers ang nagtipon sa kanilang paboritong SM malls nationwide upang samantalahin ang mga oportunidad na hatid ng Labor Day  Job Fairs.

Mas Marami Pang Oportunidad Buong Hunyo

Hindi nagtatapos sa June 12 ang pagkakataon. Mayroon pang 17 karagdagang SM Job Fairs na nakatakdang isagawa sa iba't ibang bahagi ng bansa sa buong buwan ng Hunyo, kabilang ang mga industry-focused hiring events para sa ICT, tourism, hospitality, entrepreneurship, at iba pang sektor.

  • June 3 - SM City Tuguegarao​

  • June 7 - SMX Davao - SM Lanang Premier ​​(Tourism companies)

  • June 9 - SM City Baliwag​ (STI job fair)

  • June 9 - SM City Davao (ICT companies)​

  • June 11 - SM City Valenzuela​

  • June 11 - SM City Bacoor​

  • June 11 - SM City San Mateo​

  • June 11 - SM City Iloilo​

  • June 16 - 17 - SM City Novaliches​ (QC University job fair)

  • June 16 - 17 - SM City Iloilo (ICT companies)​

  • June 17 - SM City Calamba​

  • June 18 - SM City Bacolod​

  • June 18 - SM City Daet​

  • June 19 - SM City Baliwag (NU Job Fair)​

  • June 25 - SM City Trece Martires​

  • June 27 - SM City Bataan (Trabaho at Negosyo)​

  • June 30 - SM Center Muntinlupa


Fresh graduate ka man, graduating student, first-time job seeker, career shifter, o experienced professional, may oportunidad na naghihintay para sa iyo.

Patuloy na Partnership Para sa Nation-Building

Ngayong Araw ng Kalayaan, muling pinagtitibay ng SM at DOLE ang kanilang iisang layunin—ang magbigay ng mas maraming oportunidad, makapag-develop ng bagong skills, at makatulong sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Higit pa sa pagtutugma ng employers at applicants, ang partnership na ito ay tumutulong sa mga Pilipino na suportahan ang kanilang pamilya, palakasin ang kanilang komunidad, at makibahagi sa pag-unlad ng bansa.

Patunay ang SM at DOLE na kapag nagtutulungan ang pribadong sektor at pamahalaan, mas maraming oportunidad ang nalilikha, mas maraming buhay ang nababago, at mas mabilis umuunlad ang bayan. 

Bisitahin ang pinakamalapit na SM Job Fair ngayong Hunyo at simulan ang susunod na yugto ng iyong career journey.


Isang araw na puno ng pag-asa, oportunidad, at bagong simula—habang nagkakaroon ng koneksyon ang employers at applicants sa SM Job Fair.

###

About SM Supermalls – Job Fairs  

Ang SM Supermalls—isa sa mga nangungunang mall developers sa Southeast Asia—ay patuloy na pinapahusay ang job fair experience sa pamamagitan ng paglalapit ng mas accessible na oportunidad sa trabaho sa mga mall nito sa buong bansa. Bilang pinaka-pinipili at pinaka-minamahal na retail destination ng mga Pilipino, ang SM ay lumilikha ng job fair experiences na tumutugon sa iba’t ibang job seeker tribes—mula sa fresh graduates at first-time job hunters hanggang sa mga propesyonal na naghahanap ng susunod na hakbang sa kanilang karera. Higit pa sa isang lugar, ang SM ay nagsisilbing tulay ng oportunidad—nag-uugnay ng tamang talento sa tamang employer, nagpapalakas ng workforce, at tumutulong sa pagbuo ng mas inklusibo at progresibong ekonomiya. Dahil ang bawat Pilipino ay may pangarap na maabot—at sa SM, ang mga oportunidad ay inilalapit All For You. 




Comments

Popular posts from this blog

Local farmers in Calabarzon to receive training on modern farming techniques

SM Supermalls champions MSMEs at SM Dagupan's Bangus Festival Food Fiesta

CDA Empowers Cooperatives Through SM Supermalls’ Weekend Market